#HUE: 3D Painting, pwedeng pasyalan sa RSU Main Campus

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Isa sa mga natatanging booth ngayong taon sa pagdiriwang ng University Week ng Romblon State University ay ang booth ng mga artist ng Guhit Pinas - Romblon Chapter.

Ang produkto ng kanilang talento ay ang magandang 3D Painting na nakaukit sa semento ng lumang building ng Romblon State University NSTP Office.

Makikita sa drawing na tila may iisang bato nalang na nakalutang pwedeng tapakan ng mga tao para makatawid sa kabilang bahagi.

Ang nasabing 3D Drawing ay ginawa umano ng kanilang grupo sa loob lamang ng tatlong araw. Mayroon rin silang mga wall paints na tiyak na pang 'instagram' ang dating.

Ayon...

Read more: #HUE: 3D Painting, pwedeng pasyalan sa RSU Main Campus

Super Blue Blood Moon, nasilayan sa Romblon

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Nasilayan ngayong gabi ng mga taga-Romblon ang inaabangang pambihirang pangyayari sa buwan na tinatawag na "Super Blue Blood Moon".

Sa nasabing pangyayari, sumabay ang full moon, super blue moon, at total lunar eclipse na tinatawag rin na blood moon.

Sa Odiongan, Romblon bandang alas-6 ng gabi ng lumitaw ang buwan ngunit nawala rin ito matapos ang halos 2 oras matapos na matabunan ng mga ulap.

Nasaksihan rin sa ibang bayan ang Super Blue Blood Moon katulad nalang sa San Fernando sa Sibuyan Island.

Inaasahang matapos ang 19-years muli bago masilayan ang Super Blue Blood Moon sa mundo.

...

Inigo Pascual, Maris Racal and other Kapamilya stars joined Gina Lopez in exploring Sibuyan Island

Written by Romblon News

May bagong kakampi ang kalikasan matapos sumali sa programa ni dating Department of Environment and Natural Resources secretary Gina Lopez ang ilang sikat na kapamilya stars para sa season 2 ng kanyang programang “G Diaries".

Ilan sa mga stars na sumama kay Lopez ay ang loveteam nina Elmo Magalona at Janella Salvador, at loveteam nina Maris Racal at Inigo Pascual.

Ang grupo na tinawag na "G Squad" ay inaasahang mag-iikot sa magagandang destinasyon ng bansa kagaya ng Samar, Lobo sa Batangas, Iba sa Zambales, Kinatarcan Island sa Cebu, at siyempre ang Sibuyan Island sa Romblon, ang Galapagos ng Asia.

Kasama rin sa "G Squad" ay sina Sue...

Read more: Inigo Pascual, Maris Racal and other Kapamilya stars joined Gina Lopez in exploring Sibuyan Island

Schedule of Romblon's Biniray Festival 2018

Written by Romblon News

Narito ang schedule ng mga aktibidad para sa gaganaping Biniray Festival 2018 sa bayan ng Romblon, Romblon ngayong January.

...