Romblon BAKTAS Mountaineers starts trekking to Romblon highest points

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Isa ang trekking sa nauusong cardio workout sa panahon ngayon kaya sa Tablas, Romblon ay nabuo ang grupong Romblon BAKTAS Mountaineers noong April 13 2017.

Ang nasabing grupo ay sinisimulan nang akyatin ang matataas na bundok sa lalawigan ng Romblon hanggang sa maakyat nila ang summit ng pinakamataas na bundok sa Romblon na Mount Guiting-Guiting sa Sibuyan Island.

Katatapos lang ng grupo na akyatin ang Nabujus Peak sa Cagboaya sa bayan ng San Agustin nitong Martes, October 31, kung saan may 22 na trekkers ang sumama paakyat sa bundok.

Nagtanim rin ng 15 puno ng Narra ang grupo sa isang private land sa Nabujus Peak bilang tulong na rin sa mas pagpapaganda at pag preserve sa kagandahan ng nasabing bundok.

Ang pagtulong sa environment ang isa sa layunin ng grupo kaya ang pagtatanim ng puno sa mga inaakyatang bundok ay regular na ginagawa ng grupo.

Naakyat na rin ng Romblon BAKTAS Mountaineers ang ikalawa sa pinakamataas na bundok sa Romblon na Mt. Payaopayo nitong Abril kung saan may mahigit 30 trekkers ang sumama.

Balak namang isunod ng grupo na akyatin ay ang ilang peaks sa Alcantara.