Giant Christmas Tree sa Alcantara, papailawan sa Nov. 20

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Sa November 20 na ang araw para muling pailawan sa Alcantara, Romblon ang giant Christmas Tree ng nasabing bayan.

Bahagyang lumiit umano ang Christmas Tree ngayong taon ngunit kakaiba parin ito dahil dinagdagan nila ng malaking bilog sa loob ng puno na nagmistulang 'Earth" sa loob ng Christmas Tree.

Puspusan na rin ang pagsasaayos at pagpapaganda sa paligid ng Alcantara Public Park para sa gaganaping event.

Magsisimula ang programa pagdating ng 6:30 ng gabi sa November 20.