Rider, sugatan sa salpukan ng Dump truck at Motor

Written by Rica Fabro | Romblon News

Isinugod ang isang rider ng motorsiklo matapos itong pumailalim sa salpukan ng minamanehong motorsiklo at kasalubong na dump truck sa bahagi ng kalsada na sakop ng Barangay Tubigon, Ferrol, Romblon.

Nangyari ang aksidente bandang alas-8 kaninang umaga.

Ayon sa ilang nakasaksi na nakausap ng Romblon News Network, pabalik na ng Odiongan, Romblon galing Poblacion ang hindi pa kilalang rider nang makasalpukan ang truck. Sinubukan pa umanong mag-preno ng driver ng truck ngunit hindi na naiwasang sumalpok ang kasalubong na rider.

Nagtamo ng galos sa katawan at sugat sa ulo ang rider kaya agad itong isinugod sa Romblon Provincial Hospital.

Patuloy na...

Read more: Rider, sugatan sa salpukan ng Dump truck at Motor

Binata, arestado matapos magnakaw ng 5 bisikleta sa San Agustin

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Arestado ang isang 19-taong gulang na lalaking suspek sa pagtangay ng 5 bisikleta ng iba't ibang residente ng Barangay Cabolutan, San Agustin, Romblon nitong gabi ng Miyerkules.

Kinilala ng San Agustin Municipal Police Station ang suspek na si Jay-R Manipol Arnaiz, 19-taong gulang.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bandang 8:30 ng gabi ng November 22 nang magnakaw ng bisikleta si Arnaiz kasama ang tatlo pang minor sa mga bahay 5 biktima.

Nahuli sa follow-up operation si Arnaiz ng mga Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ng Barangay Cabolutan ang suspek habang gamit-gamit pa ang isa sa 5 bisikleta

Narekober kalaunan ang...

Read more: Binata, arestado matapos magnakaw ng 5 bisikleta sa San Agustin

Delegado ng Palawan, nanakawan umano ng Cellphone sa Quarters

Written by Lyle Gepe Formilleza | Romblon News

Nilooban at nanakawan ng cellphone ang isa sa mga dancers ng probinsya ng Palawan sa loob ng kanilang quarters sa Romblon State University, Odiongan, Romblon.

Sa report na natanggap ng Romblon News Network, nitong Miyerkules ng gabi umano pagkatapos ng streeet dance competition napansin nilang nawawala ang cellphone ng isa sa mga dancers nila.

Kinumpirma ang nasabing balita ng isa sa mga opisyal ng Palawan na kasama ng mga deligado ngunit ayon sa kay Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., hepe ng Odiongan Municipal Police Station, wala umanong lumapit sa mga tauhan nila kaugnay sa nasabing aksidente.

Huwebes ng tanghali...

Read more: Delegado ng Palawan, nanakawan umano ng Cellphone sa Quarters

Delivery Van, sumalpok sa likod ng truck; Driver, sugatan

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Sugatan ang driver ng isang delivery van matapos na sumalpok ang kanyang sasakyan sa likod ng isang 6-wheeler truck na pagmamay-ari ng isang construction company.

Nangyari ang aksidente nitong Lunes sa bahagi ng Firmalo's Boulevard sa Barangay Liwanag, Odiongan, Romblon bandang alas-2 ng hapon.

Ayon sa imbestigasyon ng Odiongan Municipal Police Station, bumubuntot umano ang delivery van na minamaneho ni Fabie Famisan Foja, 45, sa 6-wheeler truck na minamaneho naman ni Jackem Gaan Sim, 27, habang nasa Firmalo's Boulevard sa Barangay Liwanag.

Bigla umanong nagbawas ng bilis ng patakbo si Sim para maiwas sa maaring pagsabit ng sasakyan sa mga hanging...

Read more: Delivery Van, sumalpok sa likod ng truck; Driver, sugatan