Wanted sa Odiongan, arestado sa Iloilo City

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Arestado sa Lapaz, Iloilo City ang isang lalaking wanted sa Odiongan dahil sa paglabag sa Republic Act 9262 o mas kilalang The Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.

Kinilala ni Police Senior Inspector Manuel Fernandez Jr., Chief of Police ng Odiongan Municipal Police Station ang suspek na si Roger Pimentel Espinosa Jr., 26-taong gulang, at naninirahan sa Barangay PHC Hosing Phase 2, Mandurriao, Iloilo City.

Naaresto ng Odiongan MPS at Iloilo City Police Station 5 si Espinosa sa bisa ng warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court Branch 82 noong November 29 ng nakaraang taon.

Hawak na ngayon ng tauhan ng Odiongan MPS ang suspek at nakatakdang ibiyahe pabalik ng Odiongan sa mga susunod na araw.

Maaring makapag piyansa ang suspek kung magbabayad ng P12,000.