Comelec resumes voter registration

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

FILE PHOTO. VOTERS REGISTRATION IN ODIONGAN ROMBLON.FILE PHOTO. VOTERS REGISTRATION IN ODIONGAN ROMBLON.

Simula nitong nakaraang Lunes ay muli nang tumatanggap ng voters registration ang opisina ng Commission on Elections (Comelec) sa buong bansa kasama ang Provincial Commission on Elections (Comelec) sa Romblon.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, hindi apektado ng long weekend 'holiday' ang pagbabalik ng voters registration at operasyon ng kanilang mga opisina.

"[This] weeklong ‘holiday,’ #TuloyAngTrabaho sa @COMELEC. #VoterReg2017,” sa post ni Comelec spokesperson James Jimenez.

Bukas ang lahat ng Comelec offices tuwing Lunes hanggang Sabado kasama ang holidays tuwing 8am hanggang 5pm.