U_Spy: Wag puro “photo op” ang DFA kay Joanna

Written by Rey Marfil

Napakalungkot ang sinapit ng kababayan nating si Joanna Demafelis na ginawang “frozen OFW” sa Kuwait. Pero ang tanong, mayroon pa kayang katulad niyang napilitang mangibang-bansa dahil sa hangaring mabigyan ng magandang buhay ang mga mahal sa buhay at bigla na lang nawala?

Masakit man sa pamilya ang nangyari kay Joanna, kahit papaano ay buo na nakita ang matigas niyang bangkay sa freezer. Kaya naman maiuuwi pa siya sa bansa para maipagluksa at mabigyan ng disenteng libing, at maihingi ng hustisya ng kaniyang mga kaanak.

Hindi gaya ng ibang kababayan nating nangibang-bansa na napahamak at nabitay, at pagkatapos ay hindi na...

Read more: U_Spy: Wag puro “photo op” ang DFA kay Joanna

U_Spy: Gawin na lang swimming pool ang MRT-3

Written by Rey Marfil

Sadyang malaki na ang problema ng MRT-3 at pati itong mga opisyal natin sa gobyerno eh nagbabangayan na. Ang tanong nga lang siguro ng mga mandirigmang pasahero, makatutulong ba ang sigawan nila para bumuti ang serbisyo sa MRT?

Sa totoo lang, nakakaawa rin itong si MRT-3 General Manager Rodolfo Garcia sa naging sigawan nila ni Speaker Pantaleon Alvarez sa isang House hearing tungkol sa MRT. May edad na si GM at mukhang bigat na bigat na siya sa tila walang katapusang problema ng MRT.

Kaya naman siguro ganun na lang ang emosyon niya nang pagdudahan ni Alvarez ang kakayahan niyang...

Read more: U_Spy: Gawin na lang swimming pool ang MRT-3

50-50!

Written by Ressie S Fos | Romblon News

Sakto ang 50-50 (50%-50% employer-employee share) na panukala ng Social Security System (SSS) sa hatian ng employer at employee para sa buwanang kontribusyon, na nagpapahiwatig kung sa pasyente o kondisyon ng pasyente na naghihingalo na ito. Mantakin mo nga naman, imbis na ipasa sa employer ang anumang dagdag-singil sa kontribusyon ay lumalabas na sa manggagawa ito ipapasa. Sa ngayon, ang hatian ng employer-employee ay 7.37%-3.63% respectively.

Ang dagdag-singil sa kontribusyon ay isa sa inaasahan nating paraan ng SSS upang bawiin naman ang pagtaas sa buwanang pension ng mga SSS pensioners, matapos ipatupad ng gobyerno ang dagdag P2,000 pension. 

Naging kontrobersyal ang...

Read more: 50-50!

U_Spy: Magkakabuni ka sa MRT

Written by Rey Marfil

Maliban sa araw-araw na sakit ng katawan na inaabot ng mga mandirigmang pasahero ng MRT tuwing peak hours sa umaga at gabi, ang peligro na magkaroon o mahawahan ng sakit ang tiyak na inaalala ng marami.

Kung sasakay ng MRT ang mga iginagalang natin mga opisyal tulad ni Secretary Harry Roque sa oras ng pasukan o uwian ng mga tao, makikita nila na marami na ring pasahero ngayon ang mukhang mga ninja o duktor na mag-oopera na may takip sa mukha.

Hindi naman sa nahihiya sila sa hitsura nila o maarte sila na ayaw magpakita ng kanilang mukha, pero kung...

Read more: U_Spy: Magkakabuni ka sa MRT