Most Wanted ng Pinamalayan, arestado

Written by Paul Jaysent Fos | Romblon News

Tiklo sa kamay ng pulisya ang Number One Most Wanted Person ng bayan ng Pinamalayan, Oriental Mindoro na si Arjon Lydon Mascariñas, 25-taong gulang, isang tricycle driver.

Inaresto si Mascariñas sa bisa ng isang warrant of arrest na nilabas ng RTC Branch 42 - Pinamalayan, Oriental Mindoro dahil sa kasong rape noong taong 2014.

Ayon kay Police Chief Inspector Alvimar Flores ng Pinamalayan MPS, naaresto ng pulisya ang suspek sa harap ng isang tindahan sa Matimyas Street sa Sampaloc, Manila.

Dadalhin ang suspek sa Pinamalayan, Oriental Mindoro para iharap sa korte.

Walang piyansa ang kaso ng suspek. Hindi naman ito nagbigay ng pahayag.