U_Spy: Alamin kung bakit replay lang ang trauma sa summit

Written by Rey Marfil

Tapos na sa wakas ang ASEAN Summit pero hindi ang kalbaryo sa trapik. Ngayong nakauwi na ang mga world leaders at mga delegado, back to normal ika nga ang buhay sa Pilipinas, lalo na sa mga motoristang naperwisyo ng matindang trapik noong Sabado, Nobyembre 11, nang magsidatingan ang mga VIP.

Sabi ng ating kurimaw, kung mayroon man daw talagang magandang bagay na idinulot itong summit, ito raw ay ang pagkakatuklas sa solusyon sa trapik. Ano iyon? aba'y gawin daw holiday ang buong taon.

Kapansin-pansin kasi na maliban sa araw nang dumating ang mga VIP noong Sabado, sa mga sumunod na...

Read more: U_Spy: Alamin kung bakit replay lang ang trauma sa summit

U_Spy: Ang kaso ni PNoy

Written by Rey Marfil

 

Gaya ng inaasahan, iniakyat ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang reklamong graft at usurpation of official functions laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay sa naging madugong Mamasapano operation sa Maguindanao noong 2015 para tugisin ang mapanganib na teroristang si Zulkifli Bin Hir alias Marwan.

Sa isang banda, maganda ang ginawa ng Ombudsman sa pagsasampa ng kaso laban kay Noynoy dahil ipinakita nila na bilang korte na tagausig sa mga opisyal at kawani ng pamahalaan, eh wala silang kinikilingan

Sa totoo lang, kung nagpasya ang Ombudsman na ibasura kaagad ang reklamo, aba’y tiyak na katakot-takot na banat...

Read more: U_Spy: Ang kaso ni PNoy

U_Spy: Abangan si ‘Harry blocks’

Written by Rey Marfil

Parang timing ang nangyaring pag-anunsyo ni Pangulong Digong Duterte kay outgoing Kabayan Partylist Representative Harry Roque na kaniyang bagong magiging tagapagsalita.

Ginawa kasi ng Punong Ehekutibo ang pag-anunsyo bago mag-Undas, at kaagad na “nanakot” na parang pang-Halloween ang kaniyang magiging bagong tagapagtanggol at tagapagpaliwanag.

Matapos kasing maibalita na inanunsyo na ang kaniyang pagiging presidential spokesman kapalit ni Ernesto Abella, nagbabala si Roque sa mga kritiko ng administrasyon na kapag nambato ng batikos ng walang basehan, gaganti siya at hindi lang bato ang ipupukol niya kung hindi hollow blocks pa.

Ang mga tagasuporta ng administrasyon, tiyak na natuwa sa tirada ni...

Read more: U_Spy: Abangan si ‘Harry blocks’

U_Spy: Bakit “LODI” si Jack Ma

Written by Rey Marfil

Dahil sa kaniyang hitsura na walang kaporma-porma at hindi naman kagwapuhan, kung makikita mo sa palengke ang mamang nagngangalang Jack Ma, baka hindi mo siya pansinin at iisipin mo lang tsong na karaniwang Instik lang siya na nakikita mo sa Binondo.

Pero ang katotohanan, si Jack ang isa sa pinakamayamang tao sa mundo na nasa likod ng pinakamalaking online commerce company na "Alibaba." At ayon sa Forbes magazine mga tsong, tinatayang nasa $38.3 bilyon ang kaniyang net worth.

Nasa bansa siya kamakailan para sa isang pagtitipon. At gaya ng ibang dinaluhan niya na nagbigay siya ng pananalita, aba'y patok at...

Read more: U_Spy: Bakit “LODI” si Jack Ma